^

PSN Palaro

La Salle lumapit sa bonus

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinataob ng nagdedepensang De La Salle University ang University of Santo Tomas, 94-59 para ma­kalapit sa twice-to-beat incentive sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtulong sina reigning MVP Ben Mbala at Ricci Rivero sa paghatak sa Green Archers sa ika-10 panalo sa 12 laro kung saan isang panalo na lamang ang kailangan nito para makuha ang importanteng insentibo sa Final Four.

Umiskor si Mbala ng 17 puntos, siyam na rebounds, tatlong blocks at tig-isang assist at steal habang kumana naman si Rivero ng 16 markers, pitong boards, tatlong assists, dalawang steals at isang block.

“We just stayed focus and stick to the game plan basically. We played well on defense. We’re able to force them to commit a lot of turnovers,” ani ng Cameroonian slotman na si Mbala.

Nakatulong din si Jolo Go na may 12 puntos habang nagdagdag si Rash­leigh Rivero ng 10 markers. 

Humatak ang La Salle ng 61 rebounds habang naglista rin ito ng 13 steals at 17-of-19 sa freethrow line.

Mainit ang ratsada ni Marvin Lee na bumira ng 25 puntos, pitong boards at isang steal subalit nakagawa ito ng walo sa 24 turnovers ng Growling Tigers.

May double-double na 14 points, 10 boards, limang steals at apat na assists si Steve Akomo ngunit hindi ito sapat para dalhin ang kanilang tropa sa panalo.

Tila naubusan ng bangis ang Growling Tigers na wala pa ring panalo sa 12 laro.

Ito ang ika-10 panalo ng La Salle na umabot sa 35-point winning margin.

Sa kabilang banda, ang 0-12 ng UST ang isa sa pina­kamasamang kampan­ya nila sa liga.

Sa ikalawang laro, na­paamo ng Adamson University ang National University, 90-77  para mapatatag ang kapit sa No. 3 spot hawak ang 8-4 baraha.

Nanganganib na masibak ang Bulldogs na gumulong sa 4-7 marka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with