PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ito ang hari

Matinding traffic sa Bocaue ang dinulot ng Game 7 ng PBA Governor’s Cup finals.

Isipin mo, mahigit 54,000 fans ang dumulog sa Philippine Arena nung Biyernes para panoorin ang laro ng Ginebra at Meralco.

Karamihan, of course ay Ginebra fans.

Traffic man papasok at palabas ng Bocaue ay wala silang angal dahil nag-champion ang Ginebra.

Kahit ilang oras ay titiisin nila manalo lang ang Ginebra.

Kulang na lang ay magsindi sila ng mga kwitis sa celebration.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tinambakan ng Ginebra ang Meralco pero nagpakaba ng konti nang dumikit ang laro sa bandang huli.

Mabuti na lang at nandun si LA Tenorio, Joe Devance, Scottie Thompson at siyempre naman si Justin Brownlee.

Halos lumipad ang bubungan ng arena nang ma­tapos ang laro.

Parang Ginebra country.

Nandun din si Jawo para i-congratulate ang Ginebra. Pati Meralco binati rin ni Big J dahil matagal din naman siyang naging player ng Meralco bago pa siya nag-PBA.

Classic na series ang napanood ng PBA fans at dapat din talaga batiin ang Meralco.

Hangad ko pa naman sana makitang mag-champion ulit si coach Norman Black.

Pero hindi ukol, coach.

Si Tim Cone ang namayagpag. Nakamit niya ang 20th PBA title niya bilang coach at pangalawang sunod para sa Ginebra.

Ginebra ang bida.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: