124th PSL National Series dadayo sa Laoag
MANILA, Philippines — Magtatagisanng lakas ang pinakamahuhusay na bagitong tankers sa bansa sa gaganaping 124th Philippine Swimming League (PSL) National Series na idaraos sa Laoag.
Asahan ang pukpukang labanan dahil nakataya ang slots para sa ilang international tournaments sa United Arab Emirates, Singapore, Japan, Thailand at Canada.
“This competition is open to all. We are not requiring a membership just to be part of the team for our international competitions. As long as you meet the standards and you are willing to represent our country, you are in,” ani PSL President Susan Papa.
Nakalaan ang medalya para sa mga magwawaging swimmers sa bawat kategorya habang gagawaran din ng Most Outstanding Swimmer awards ang mga nangunguna sa kani-kanilang age band.
Maliban sa pambato ng Laoag, darayo rin ang mga koponan mula sa Cebu, Iloilo, Bacolod at Capiz gayundin ang mga koponang mula sa National Capital Region, Cavite, Bicol, Davao, Baguio, Laguna, Pampanga, Quezon at Mindoro.
Ilan sa mga nagkumpirma ng partisipasyon sina Marc Bryan Dula ng Wisenheimer Academy at Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary-Parañaque na galing sa matagumpay na kampanya sa Buccaneer Invitational Swimming Championship sa Japan.
“We have a lot of talents in this region and we are looking to discover more young tankers for future international competitions,” dagdag ni Papa.
- Latest