Cone marami pang ibibigay na titulo sa Ginebra
MANILA, Philippines — Nakamit ng Barangay Ginebra ang kanilang pang-10 korona, habang nagdagdag naman si head coach Tim Cone ng panibagong tropeo sa kanyang aparador.
“I always said we didn’t come to Ginebra to win just one championship, we always wanna win many championships and so this is our job,” wika ni Cone matapos talunin ng Gin Kings ang Meralco Bolts, 101-96 sa Game Seven ng 2017 PBA Governor’s Cup Finals sa harap ng bagong league record na 54,086 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ayon sa two-time PBA Grand Slam champion coach, hindi pa ito ang huling pagkakataon na magkakampeon ang Ginebra.
“We’re not gonna stop here, we got more to get guys, we got more to come,” wika ng 59-anyos na si Cone, nakamit ang kanyang ika-20 titulo.
“It’s not going to be easy,” sabi naman ni veteran forward Joe Devance. “We won the same conference last year, and then nothing, so we got to come out after we get on this break and prepare, train hard, and get after it.”
Inangkin ng Ginebra ang Game One, 102-87, Game Two, 86-76 at Game Five, 85-74 at inagaw naman ng Meralco ang Game Three, 94-81 at Game Four, 85-83 at Game Six, 85-74.
Ang Game Seven ang pinakamahirap na laro sa isang serye, ayon kay Cone.
“These Game Sevens are the most amazing things to play,” ani Cone.
“You never know what’s going to happen, there are so many distractions…but we had laser focus to start the game.”
Kinuha ng Gin Kings ang 20-point lead, 52-32 bago nakalapit ang Bolts sa apat na puntos.
“If you gave them two more minutes at the clock, we’d probably lose that game,” sabi ni Cone, sinandalan sina import Justin Brownlee, Greg Slaughter, Joe Devance at LA Tenorio, umiskor ng 26 points tampok ang apat na three-point shots at hinirang na Finals Most Valuable Player.
Noong nakaraang taon ay sinibak ng Ginebra ang Meralco sa Game Six matapos ang buzzer-beating three-point shot ni Brownlee.
- Latest