^

PSN Palaro

Ateneo swak sa twice-to-beat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Unti-unting lumalapit sa sweep ang Ateneo nang pataubin ang University of the East, 97-73 para dagitin ang kanilang ika-11 sunod na panalo sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinangunahan ni Thirdy Ravena ang matayog na lipad ng Blue Eagles nang bumanat ito ng 17 puntos, walong rebounds at apat na assists habang tumipa si Jolo Mendoza ng 13 markers para mapanatili ng kanilang tropa ang malinis na rekord.

Humataw din sina Vince Tolentino at Rafael Verano na naglista ng tig-12 puntos habang may tig-siyam naman sina Anton Asistio at Kris Porter sa balanseng atake ng Ateneo.

Higit pa rito, nakasisiguro na ang Ateneo ng twice-to-beat advantage sa Final Four.

Maganda ang depensa ng Blue Eagles matapos malimitahan sa walong puntos - apat sa first half, apat sa second half - si UE ace Alvin Pasaol na nagtala ng maasim na 2-of-11 shooting sa 26 minutong paglalaro.

Malayo ito sa kanyang 49 puntos na bumasag sa rekord ng liga at sa 32 puntos nang manalo ang UE sa University of the Philippines noong nakaraang linggo.

“We did a good job defensively on him(Pasaol). We really want to focus in this game. Every game is a step forward for our team. There’s still a lot of things we need to work on,” pahayag ni Blue Eagles mentor Tab Baldwin.

Gayunpaman, uma­ngat ang laro ni Mark Maloles na siyang bumira ng 20 puntos katuwang si Mark Olayon na nakalikom ng 15 puntos para sa Red Warriors.

Subalit hindi sapat ang pinaghirapan nina Maloles at Olayon para tuluyang manganib ang kanilang tsansa sa Final Four tangan ang 3-9 baraha.

Sa ikalawang laro, naisalpak ni Paul Desiderio ang game winning three-pointer upang hatakin ang University of the Philippines sa 59-56 panalo laban saFEU.

Umangat sa 5-6 ang Fighting Maroons para sama­han sa No. 4 spot ang Tamaraws na nahulog sa parehong marka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with