Kia-SMB trade aprub na
MANILA, Philippines — Inaabangan na ang PBA Annual Rookie Draft na idaraos sa Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.
Nabalot ng kontrobersya ang draft matapos i-alok ng San Miguel Beer sina Jay-R Reyes, Ronald Tubid at Rashwan McCarthy kalakip ang first round pick sa 2019 draft sa Kia bilang kapalit ng No. 1 overall pick.
Inaprubahan naman ni PBA commissioner Chito Narvasa ang naturang trade.
Inaasahang magiging top pick overall si Gilas Pilipinas standout Christian Standhardinger sa 44 aspiranteng pagpipilian sa draft.
Kasama rin sina Kiefer Ravena, Jeron Teng, Raymar Jose, Jett Manuel at sina Fil-foreign players Jason Perkins ng La Salle at Davon Potts ng San Beda sa mga maugong na pangalan.
Nasa listahan rin sina Felix Apreku ng Letran, Julian Sargent ng La Salle, Andreas Philip Cahilig ng Cignal team sa PBA D-League, Robert Herndon ng Wangs at Zachary Nicholls ng Arellano.
- Latest