^

PSN Palaro

Ateneo itataya ang liderato vs UE

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (MOA Arena)

2pm Ateneo vs UE

4:30pm FEU vs UP

MANILA, Philippines — Itataya ng Ateneo ang kanilang  malinis na rekord   laban sa mapanganib na University of the East sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 men's basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lalarga ang bakbakan ng Blue Eagles  at Red Warriors sa alas-2 na su­sundan ng krusyal na duwelo ng Far Eastern University at University of the Philippines sa alas-4:30.

Matayog ang lipad ng Blue Eagles na nakasakay sa 10-0 rekord - apat na panalo na lamang bago makumpleto ang matamis na sweep sa eliminasyon na magbibigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa finals.

Galing ang Ateneo sa 70-59 panalo sa FEU.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay, ayaw ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga na maging kampante ang kanyang bataan dahil siguradong handa ang lahat ng koponan na dungisan ang kanilang rekord upang maharang ang sweep at makaiwas sa stepladder semis.

Kaya naman inaasa­hang bigay todo pa rin ang Blue Eagles na babanderahan nina Thirdy Ravena, Chiz Ikeh, Matt Nieto at Vince Tolentino.

Haharapin ng Ateneo ang UE na handang ibuhos ang lahat upang manatiling buhay sa Final Four race.

Inilampaso ng Blue Eagles ang Red Warriors sa first round sa iskor na 83-65.

Ngunit iba ang second round dahil tumataas ang laro ng lahat ng koponan.

Partikular na si UE ace Alvin Pasaol na itinuturing na scoring machine ng tropa.

Nakapaglista si Pasaol ng record-breaking na 49 puntos sa 100-106 kabiguan ng UE sa De La Salle University sa first round.

At hindi malayong maulit niya ito laban sa Ateneo.

Kaya’t kinakailangan ng Blue Eagles na humanap ng paraan upang pigilan si Pasaol. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with