^

PSN Palaro

Ika-3 dikit pakay ng Petron sa Cignal HD

Pilipino Star Ngayon
Ika-3 dikit pakay ng Petron sa Cignal HD

Ipinakilala nina Philippine Superliga president Ramon “Tats” Suzara (gitna)  at ESPN5 head Patricia Hizon ang United States women’s national volleyball team head coach at FIVB Hall of Famer na si Karch Kiraly  sa  press conference ka­hapon sa isang restaurant sa Taguig City.

Laro Ngayon(Filoil Flying V Arena, San Juan City)

3 p.m. Meet and Greet with coach Karch Kiraly

4 p.m. Opening Ceremonies

4:30pm  Cocolife vs  Foton

6:30 pm Petron vs Cignal HD

MANILA, Philippines — Target ng Petron Blaze ang ikatlong sunod na panalo sa pagharap laban sa Cignal HD habang asam din ng nagdedepensang Foton  ang ikalawang pa­nalo sa pakikipagtipan kontra sa Cocolife ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa  San Juan City.

Haharapin ng Blaze Spikers ang HD Lady Spi­kers sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng laban ng Foton at Cocolife sa alas-4:30 ng hapon.

Nakatakda ring masilayan ang US national wo­men’s volleyball head coach na si Karch Kiraly sa “meet and greet” sa alas-3 ng hapon kung saan magbibigay ng kaunting talumpati ang FIVB Hall of Famer sa mga Filipino volleyball coaches.

Idaraos rin ngayon ang pormal opening ce­remonies sa alas-4 ng hapon at si Kiraly pa rin ang guest of honor.

Nasungkit ng Petron ang solo liderato sa ka­ni­lang 2-0 win-loss kartada matapos padapain ang Generika-Ayala sa straight sets, 25-13, 25-17, 25-19 noong opening day mula sa 18 puntos ni Hil­lary Hurley kabilang na ang dalawang blocks at isang ace habang si Lindsay Stalzer, ang MVP noong 2015, ay umani rin ng 14 puntos.

Ang ikalawang panalo ng Blaze Spikers  ay sa Sta. Lucia Lady Realtors, 27-25, 25-20, 22-25, 25-14 noong Huwebes.

Sa larong iyon humataw pa rin ng 26 atake si Stalzer at 15 atake naman kay Hurley.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with