^

PSN Palaro

Baste sinibak ang JRU

Pilipino Star Ngayon
Baste sinibak ang JRU

Tinaasan na lang ng kamay ni JM Calma ng San Sebastian ang pa-lay-up na si Teytey Teodoro ng JRU. (Ernie Peñaredondo)

Laro sa Nobyembre 7  (MOA Arena, Pasay)

1 p.m. San Beda vs St. Benilde (Jrs)

3:30 p.m.SBC vs SSC (Srs)

 MANILA, Philippines — Ginulantang ng San Sebastian College-Recoletos ang third seed Jose Rizal University sa bisa ng 85-73 panalo upang umabante sa second phase ng stepladder semis kagabi sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pumutok sa pagkakataong ito si Regille Ilagan na humataw ng 21 puntos, limang rebounds, limang assists at isang steal para tulungan ang Stags na buhayin ang pag-asang makapasok sa finals.

“I just listened to my teammates and coaches to improve everyday and focus on defense,” ani Ilagan.

Solido rin ang laro nina Michael Calisaan at Allyn Bulanadi na may tig-13 puntos gayudin sina Jayson David at JM Calma na may pinagsamang 19 markers para sa Stags.

Nagpasabog ang San Sebastian ng malakas na puwersa sa ikatlong kanto nang ilatag nito ang 30-11 run para itarak ang 71-45 kalamangan.

Sinubukang pumalag ng Heavy Bombers nang tapyasin nito ang bentahe ng Stags sa 10 sa likod ng umaatikabong tres ni Jed Mendoza.

Subalit yun na lamang ang nakayanan ng Jose Rizal matapos umariba ng husto ang San Sebastian tungo sa panalo.

Ito ang ikalawang knockout win ng Stags matapos lusutan ang Letran, 74-69 noong Martes.

Makakasagupa ng San Sebastian ang nagdedepensang San Beda College sa Nobyembre 7 sa parehong venue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with