^

PSN Palaro

Sa Ginebra pa rin ang korona

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sa Ginebra pa rin ang korona

Pinagtulungan nina LA Tenorio, Joe De Vance at Japeth Aguilar ng Ginebra si Meralco import Allen Durham sa Game 7 ng PBA Finals. (Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Naikampay ng Barangay Ginebra ang 101-96 panalo laban sa Meralco sa Game 7 upang matamis na tunggain ang kampeonato sa Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup kagabi sa dinumog na Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nakumpleto ng Gin Kings ang 4-3 panalo sa best-of-seven championship series para itarak ang back-to-back Governors’ Cup titles.

Nakauna ang Ginebra ng kunin nito ang Game 1 (102-87) at Game 2 (86-76) bago naitabla ng Meralco ang serye matapos ma­naig sa Game 3 (94-81) at Game 4 (85-83).

Nakalapit sa korona ang Gin Kings bunsod ng 85-74 panalo sa Game 5 subalit hindi nawalan ng pag-asa ang Bolts nang ikonekta nito ang 98-91 panalo sa Game 6 para maipuwersa ang do-or-die.

Sa kabuuan, may 10 korona na ang prangkisa sa halos tatlong dekadang paglalaro nito sa liga.

Ito ang ika-20 titulo ni Gin Kings mentor Tim Cone upang higit pang patatagin ang kanyang titulo bilang winningest coach sa kasaysayan ng PBA.

Nagtulong sina Justin Brownlee at Greg Slaughter sa pagtarak ng 12-0 run para kunin ng Barangay Ginebra ang 48-29 kalamangan may 4:33 pa sa second quarter.

Pinalawig pa ito ng Gin Kings sa 20 puntos tampok ang jump shot ni Brownlee tungo sa 52-32 bentahe sa naturang kanto.

Hindi agad nawalan ng pag-asa ang Meralco.

Armado ng matinding depensa at determinadong puso, minanduhan nina Cliff Hodge at Chris Newsome ang Bolts kaakibat si Jared Dillinger na bumanat ng tres para maibaba ang lamang ng Gin Kings sa apat na puntos, 96-100 sa huling 47 segundo.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Bolts nang magbalik ang init ng Gin Kings para tuluyang angkinin ang panalo.

Pinangunahan ni LA Tenorio ang balanseng atake ng Gin Kings nang rumatsada ito ng 26 puntos habang nagdagdag si Brownlee ng 23 markers, walong rebounds at limang assists.

Nagparamdam din sina Scottie Thompson na may 14 gayundin si Slaughter na may 12 at sina Japeth Aguilar at Joe Devance na may tig-10.

“To be able to do it in front of 50,000 people, that’s so cool. Look at this crowd, this is absolutely amazing. That’s what makes it extra special. I never would have imagined this as a coach. We hit big shots all night, we got big rebounds it’s a total team effort,” wika ni Cone.

Umabot sa 54,086 ang sumugod sa venue upang maitala ang bagong rekord sa liga - mas marami kumpara sa 53,642 sa Game 6 noong Miyerkules at 52,612 sa opening game ng liga noong 2014.

Itinanghal na Finals MVP si LA Tenorio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with