^

PSN Palaro

Dasmariñas, La Union bets nanalasa sa ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dasmariñas, La Union bets nanalasa sa ginto

Inasinta ni Karylle Pangilinan (kaliwa) ng Region III Pampanga ang ginto sa Archery Cadet’s girls event ng Batang Pinoy. Joey Mendoza

VIGAN City, Ilocos Sur  , Philippines  —  Dalawang La Union archers ang pumana ng tig-dalawang gold medals, habang winalis naman ng apat na Dasmariñas City, Cavite wood pushers ang chess event ng Luzon Leg ng 2017 Batang Pinoy kahapon dito.

Tumarget sina Geriemee Ranchez at Francine Sophia Navor ng tig-dalawang gintong medalya sa pag-angkin ng La Union sa anim sa inilatag na walong ginto sa unang araw ng archery competitions sa San Ildefonso Central School.

“Ang talagang nagpu-push sa mga batang ‘yan ay ang kanilang mga parents,” sabi ni head coach Henry Manalang katuwang sina assistant Noel Castaneda at Marianito Dacanay. “Lahat ng hinihingi kong equipment para sa mga bata ay naibibigay nila. Solid support talaga sila sa kanilang mga anak.”

Dinomina ni Ranchez ang ‘yeoman boys’ event mula sa kanyang pinanang 652 at tinalo ang kakam­ping si Miakilo Ramirez sa Olympic round finals.

Nanguna naman ang 11-anyos na si Navor sa girls’ bowman event galing sa kanyang iniskor na 635 at dinaig si Sofia Kyran Manuel ng Makati City sa Olympic round.

Sina Ranchez at Navor ang naging unang double-gold medal winners ng Luzon Leg ng 2017 Batang Pinoy.

Ang dalawa pang gintong medalya ng La Union ay nagmula kina Frances Alexa Navor sa yeoman girls’ Olympic round at Carleen Sophia Flores sa yeoman girls.

Inagaw naman nina Erlzet Nanez ng Manila at Jemuelle James Espiritu ng Baguio City ang dalawang gold medals mula sa kanilang panalo sa bowman boys Olympic round at boyman boys single FITA, ayon sa pagkakasunod.

Sa chess, inangkin nina Daniel Quizon, Kylen Joy Mordido, Jerlyn Mae San Diego at Michael Concio Jr., ginabayan nina FIDE Master Roel Abelgas at 2017 Kuala Lumpur ASEAN Para Games gold medalist Arman Subaste,  ng Dasmariñas City, Cavite ang apat na ginto.

Tinalo nina Quizon at Mordido sina Mark Vincent Limocon at Iris May dela Cruz sa girls’ at boys’ 15-and-under, ayon sa pagkakasunod, habang nanaig naman sina San Diego at Concio sa girls at boys’ 12-and-under.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with