^

PSN Palaro

Stags, Knights laglagan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos ang huling silya sa semis sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament na lalaruin sa pagkakataong ito sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magbabakbakan ang Knights at Stags sa alas-3:30 ng hapon.

Nabuhayan ng pag-asa ang Letran nang kubrahin nito ang 70-68 pahirapang panalo laban sa last year’s runner-up Arellano University noong Biyernes upang maisaayos ang pakikipagtuos sa San Sebastian sa knockout game para sa Final Four slot.

Malakas na puwersa ang nanggaling kay graduating player Rey Nambatac na bumira ng 25 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists at isang steal katuwang sina JP Calvo, Jerrick Balanza at Lance Vacaro.

“Importante yung depensa dahil yun ang magpapanalo sa amin. Hindi ko iniisip na every game last game ko na. Kaya ibinibigay ko lahat ng best effort ko pagpasok ko sa court para makatulong sa team at makuha namin ang panalo,” ani Nambatac.

Gigil din ang Knights na makabawi sa kanilang 64-95 kabiguan sa Stags sa second round ng eliminasyon kaya’t inspirado ang Intramuros-based squad na maitarak ang matamis na pagresbak at mapatalsik ang Stags sa semis race.

Mataas naman ang moral ng San Sebastian na nakakuha ng bye sa playoff sa No. 4 spot.

Tiwala si San Sebastian mentor Egay Macaraya na mauulit ng kanyang bataan ang kanilang ginawang paglampaso sa Letran sa second round.

Sasandalan ni Macaraya sina Jayson David, Allyn Bulanadi at Michael Calisaan na siyang na­nguna sa panalo ng Stags sa Knights.

 Ang mananalo sa Letran-San Sebastian game ang haharap sa third seed Jose Rizal University sa  first stage ng stepladder semis na lalaruin sa Biyernes sa parehong venue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with