Boxer namatay sa sparring
MANILA, Philippines — Nakiramay si Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham B. Mitra sa pamilya ng boksingerong si Jeffrey Claro na pumanaw kahapon sa Ospital ng Maynia.
The Games and Amusements Board (GAB) sends its condolence to the family of boxer Jeffrey Claro who passed away at the Ospital ng Maynila this morning at 11am,” ani Mitra.
“Claro went down during a sparring session in Mandaluyong last Friday late afternoon,” ani Mitra.
Si Claro ay isa sa grupo na nagsumite sa GAB ng pekeng CT Scan at pinag-sabihan na magsumite ng panibago. Ang kanyang lisensiya ay hindi kinansela, ngunit hindi pinayagang lumaban sa professional fights hangga’t di nagsusumite ng bagong CT Scan.
Nakatakda sanang lumaban si Claro ng dalawang beses ngunit hindi natuloy. Ang una ay sa Mr. Almario’s promotion kung saan nagkaroon ng tooth extraction si Claro at ang ikalawa ay nagkaroon siya ng UTI.
Nakatakdang lumaban si Claro sa Nobyembre kaya inumpisahan na niya ang page-ensayo.
Si Mitra ay nandoon sa Ospital ng Maynila nang pumanaw si Jeffrey.
“My sincerest condolence again to the Family of Jeffrey Claro whose death is a great loss to his family and to Phl boxing,” ani Mitra.
- Latest