^

PSN Palaro

PSC gusto nang malaman ang mga plano ng NSAs

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

VIGAN CITY, Ilocos Sur, Philippines — Ngayon pa lamang ay gusto nang alamin ng Philippine Sports Commission ang plano ng mga National Sports Associations para sa susunod na taon.

Isa-isang tatanungin ng PSC, nasa ilalim ng pangangasiwa ni chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang bawat pangulo ng NSA tungkol sa kanilang mga programa para sa 2018.

Partikular na sa tata­lakayin sa nasabing one-on-one consultative meeting ay ang paghahanda ng bansa para sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

“We will ask them kung ano ang mga programa nila for next year at kung magkano ang balak nilang hinging budget para sa mga ito,” wika kahapon ni PSC Commissioner Charles Maxey.

Nauna nang sinabi ni Ramirez na maghihigpit ang PSC sa pagbibigay ng pondo para sa mga NSAs na walang naipapakitang solidong programa para sa mga sinalihang international competitions.

“The meeting will give us a serious look into the future,” ani Ramirez sa kanilang pakikipag-usap sa mga NSA leaders. “Ang magiging priority ng PSC ay ‘yong mga NSAs na may magandang performance at ‘yong mga kasali sa individual events,” wika naman ni Maxey.

Kamakailan ay inihayag ng sports commission ang pagbibigay ng prayoridad sa 20 hanggang 25 elite athletes na lalahok sa 2018 Indonesia Asian Games hanggang sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Kabilang sa mga inaasahang makakasama sa elite group ay ang mga gold medalists sa nakaraang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia at sa 5th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Turkmenistan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with