^

PSN Palaro

Nzeusseu isa sa susi ng Pirates sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umusad sa finals ang Lyceum of the Philippines sa kauna-unahang pagkakataon matapos makumpleto ang matamis na 18-0 sweep sa eliminasyon sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament.

At isa si Cameroonian Mike Nzeusseu sa mga instrumento upang maisakatuparan ang inaasam na pag-entra sa finals.

Kaya naman iginawad kay Nzeusseu ang NCAA Press Corps Player of the Week award matapos ang kanyang magandang ipinamalas sa mga huling laro ng Pirates sa eliminasyon.

Nakalikom si Nzeusseu ng 27 points, 21 rebounds at dalawang blocks nang gapiin ng Pirates ang nagdedepensang San Beda sa bisa ng double overtime, 107-105, noong Huwebes na nagdala sa kanila sa finals.

Malaking tulong si N­zeusseu para suportahan si CJ Perez sa matikas na ratsada ng Lyceum.

Nagtala ang Season 92 Rookie of the Year na si Nzeusseu ng averages na 11.4 points, 11.8 rebounds, at 1.2 blocks sa taong ito.

Naungusan ni Nzeusseu sa POW sina Perez at Rey Nambatac ng Colegio de San Juan de Letran.

Hinihintay na lamang ng Lyceum sa best-of-three finals ang magwawagi sa stepladder semis na kinapapalooban ng San Beda, JRU, San Sebastian at Letran na magbabakbaan para sa nalalabing sil­ya sa finals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with