^

PSN Palaro

UE, NU pinalakas ang tsansa sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UE, NU pinalakas ang tsansa sa Final 4

Nagpipilit kumawala si Jordan Sta. Ana ng UST sa depensa ni Antonio Joson ng NU sa UAAP. Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Univer­sity of the East ang University of the Philippines, 73-64 para manatiling buhay ang kanilang pag-asang makahirit ng Final Four slot sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling humataw si Alvin Pasaol nang magpasabog ito ng 32 puntos tampok ang 14 sa fourth quarter, 13 rebounds at dalawang steals para tulungan ang Red Warriors na sumulong sa 3-7 rekord.

Nakakuha ng sapat na suporta si Pasaol mula kay Marl Olayon na may double-double na 11 markers, 10 boards at walong assists gayundin kina Clark Derige at Philip Manalang na may pinagsamang 16 puntos.

Gumulong ang Fighting Maroons sa 4-6 marka.

Nagsanib-puwersa ang magkapatid na sina Juan Gomez de Liaño at Javier Gomez de Liaño kung saan umiskor ang una ng 22 puntos, walong rebounds at tig-tatlong assists at steals habang nagdagdag ang huli ng 17 puntos, 11 rebounds at isang assist.

Sa unang laro, pormal nang sinibak ng National University ang University of Santo Tomas sa pamamagitan ng 91-83 panalo para palakasin ang kanilang tsansa sa Final Four.

Naasahan sa pagkakataong ito si Matt Salem na bumira ng double-double na 22 puntos at 10 boards habang umariba rin si Issa Gaye na naglista ng parehong 22 markers kasama ang anim na boards, dalawang assists at isang steal para sa Bulldogs na sinakmal ang ikaapat na panalo sa 10 laro.

Umiskor naman sina Jayjay Alejandro at Nico Abatayo ng tig-10 puntos kalakip ang pinagsamang 13 rebounds at 11 assists.

Wala sa laro si NU head coach Jamike Jarin na na­patawan ng isang la­rong suspensiyon matapos ma-eject sa kanilang pagkatalo sa Ateneo noong Mi­yerkules.

Humalili si PBA legend Danny Ildefonso.

“Sabi ko ibigay nila yung best nila para kay coach Jamike. Malaki pa ang chance namin  sa Final Four,” ani Ildefonso.

Lumasap ang Growling Tigers ng ika-10 sunod na kabiguan para tuluyang mamaalam sa kontensiyon (11).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with