^

PSN Palaro

Kia, San Miguel nagkasundo sa trades

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa ang Kia na ibigay sa San Miguel ang kanilang hawak na No. 1 overall pick para sa darating na 2017 PBA Rookie Draft na nakatakda sa Oktubre 29 sa Ro­binson’s Place sa Ermita, Manila.

Bilang kapalit ay dadalhin ng Beermen sa bakuran ng Picanto sina role players Jay-R Reyes, Keith Agovida at rookie Rashawn McCarthy, isang future first rounder at cash considerations.

Ang trade papers ng Kia at San Miguel ay nasa lamesa na ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Malalaman ang magiging desisyon ni Narvasa kung aaprubahan ang naturang trade bukas.

Nauna nang inihayag ng Kia na kukunin nila si 6-foot-7 Fil-German Christian Standhardinger, miyembro ng Gilas Pilipinas bilang top overall pick.

Plano ng Beermen na gamitin si Standhardinger bilang katambal ni four-time MVPJune Mar Fajardo.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na ipamimigay ng Picanto ang kanilang first round draft pick.

Noong 2015 ay dinala ng Kia ang kanilang No. 2 overall pick sa TNT Katropa para mahugot sina dating Gilas member Aldrech Ramos at veteran KG Canaleta.

Ginamit ng Tropang Texters ang naturang draft pick para makuha si 6’7 Troy Rosario.

 Tinapos ng Picanto ang kanilang season bitbit ang 6-27 record kasama ang 0-11 baraha sa kasalukuyang 2017 Governor’s Cup.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with