^

PSN Palaro

Blaze Spikers buwenamano ang Lifesavers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas agad ang dalawang imports na sina Hillary Hurley at Lindsay Stalzer ng US para sa magaang na panalo kahapon ng Petron laban sa Generika-Ayala, 25-13, 25-17, 25-19 sa simula ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Sa matikas na laro ni Hurley at ni Stalzer na siyang namuno sa back-to-back titles ng Foton Tornadoes nakaraang taon, madaling tinapos ng 2017 All-Filipino Conference champion Blaze Spikers ang unang set, 25-13 sa loob ng 21 minuto lamang.

Umangat pa ang Lifesavers sa ikalawang set sa atake ni Pauline Araneta at import Darlene Ramdin, 7-6  ngunit binawi naman ni Remy Joy Palma at Hurley ang bentahe sa kanilang dalawang sunod na puntos tungo sa 20-14 lead.

“Sobrang happy kasi lahat nag-deliver. Honestly, madami pa rin kaming i­naayos, madami pa ka­ming kailangan i-improve. But the good thing is kung sino man ang ipasok namin, be it imports or local players nag-deliver. So okay sila and I’m happy with our performance today,” ayon kay Petron coach Shaq de los Santos.

Hindi napigilan ng Life­savers ang opensa ng Blaze Spikers kaya magaang nakuha ang ikalawang set, 25-17  na u­mabot lamang ng 25 minuto bunga ng patuloy na atake nina Hurley at Stalzer para sa magandang umpisa sa season-ending conference.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with