Cavs inakay ni James sa ika-2 sunod
MILWAUKEE -- Kumolekta si LeBron James ng 24 points at 8 assists para banderahan ang Cleveland Cavaliers sa 116-97 paggupo sa Bucks.
Muling pinangunahan ng four-time NBA Most Valuable Player ang Cavaliers sa scoring para sa ikalawang sunod na laro bagama't halos hindi siya nakalaro sa pre-season bunga ng ankle injury.
“I felt better tonight than I did after game one,” sabi ni James na kumamada ng team high 29 points sa season-opening win laban sa Boston Celtics noong Martes.
Nagtala si Kevin Love ng kanyang ikalawang sunod na double-double sa tinapos na 17 points at 12 rebounds, habang tumipa si Kyle Korver ng 17 markers mula sa 5-of-6 shooting sa three-point line.
Pinamunuan naman ni Giannis Antetokounmpo ng game-high 34 points mula sa 15-of-22 fieldgoal shoo.0ting kasama ang 8 rebounds at 8 assists sa panig ng Milwaukee.
Sa Phoenix, nagsumite si rookie guard Lonzo Lorenzo Ball ng 29 points, 11 rebounds at 9 assists para akayin ang Los Angeles Lakers sa 132-130 pagtakas sa Suns.
Sa Atlanta, tumipa si Kemba Walker ng 26 points, habang humakot si Dwight Howard ng 20 points at 15 rebounds para ibangon ang Hornets mula sa 20-point deficit at resbakan ang Hawks, 109-91.
- Latest