^

PSN Palaro

Buhay pa ang Letran

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes (MOA Arena)

3:30pm SSC-R vs Letran

MANILA, Philippines — Napigilan ng Colegio de San Juan de Letran ang last year’s runner-up Arellano University matapos iselyo ang 70-68 panalo upang manatiling buhay ang pag-asa nito sa Final Four sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasiklab ng husto si graduating player Rey Nambatac na humataw ng 25 puntos tampok ang apat na three-pointers kalakip ang siyam na rebounds, tatlong assists at isang steal para banderahan ang Knights.

“Nung fourth quarter sa isip ko ayoko pa magbakasyon, gusto ko pa maglaro at pagsilbihan ang Letran. Lahat kami ng mga teammates ko gustong makuha ang panalo para makapasok kami sa Final Four,” wika ni Nambatac.

Naging katuwang ni Nambatac si JP Calvo na kumana ng 11 markers, limang boards at dalawang assists habang nag-ambag naman sina Jerrick Ba­lanza at Lance Vacaro ng pinagsamang 14 puntos.

Hawak ng Arellano ang 68-67 kalamangan sa hu-ling 6.7 segundo.

Nagmintis si Nambatac sa kanyang layup subalit nandun si Jeo Ambohot para maisalpak ang putback at dalhin ang Letran sa 69-68 bentahe, may 3.3 segundo pa.

Isang krusyal na inbound pass error ang nagawa ni Levi Dela Cruz ng Arellano na sinabayan ng split freethrow ni Calvo para tuluyang makuha ng Knights ang panalo.

Nakalikom si Dela Cruz ng 18 puntos para pamunuan ang Chiefs.

Makakasagupa ng Letran ang San Sebastian College-Recoletos sa knockout game sa Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang mananalo ang siyang uusad sa Final Four kung saan makakaharap nito ang third seed Jose Rizal University sa unang stepladder phase.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with