^

PSN Palaro

PSC tiwalang aabot sa 7k ang lalahok sa Batang Pinoy Luzon leg

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

VIGAN CITY, Ilocos Sur, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Sports Commission na aabot sa humigit-kumulang sa 7,000 ang bilang ng mga batang may edad 15-anyos pababa ang sasabak sa Luzon Leg ng 2017 Batang Pinoy sa President Elpidio Quirino Stadium dito.

Kahapon ay nakapagpalista na ang 5,845 batang atleta na makikipag-agawan ng medalya sa inilatag na 18 sports events.

Ang mga event ay ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, dancesport, karatedo, pencak silat, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

Ang National Finals ng Batang Pinoy ay idaraos sa Pebrero ng  2018 sa Cebu City kung saan idaragdag ang mga events na cycling, wrestling, triathlon, gymnastics, wushu, judo, weightlifting at rugby football.

Isang makulay na opening ceremonies ang inihanda ni Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson ngayong hapon na dadaluhan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos para magbigay ng inspirational message.

Hindi naman makakapunta si PSC chairman William 'Butch' Ramirez matapos ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Si Department of Education Undersecretary Tonisito Umali ang tatayong Guest Speaker at si Vigan City Mayor Juan Carlos Medina ang magdedeklara ng pagbubukas ng Luzon Leg ng 2017 Batang Pinoy.

Ang Baguio City ang umangkin sa overall championship noong nakaraang taon, samantalang pumangalawa at pumangatlo ang Cebu City at Davao City, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with