^

PSN Palaro

Big 3 gumana sa Thunder, Knicks sadsad

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY — Marami ang nagbago sa Thunder. Ngunit isa lamang ang hindi--ang pagtatala ni Russell Westbrook ng triple-doubles.

Nagtala ang reigning MVP ng 21 points, 16 assists at 10 rebounds para pangunahan ang Oklahoma City sa 105-84 panalo laban sa New York Knicks sa kanilang unang regular-season game kasama sina All-Star additions Paul George at Carmelo Anthony.

 Pinangunahan ni George,  nakuha sa offseason trade sa Indiana Pacers, ang Thunder mula sa kanyang 28 points, habang nag-ambag ng 22 markers si Anthony laban sa dati niyang koponan.

Kumolekta naman si Kristaps Porzingis ng 31 points at 12 rebounds para sa panig ng Knicks.

Nag-ambag si Enes Kanter, dinala sa Knicks sa trade na nagbigay kay Anthony sa Thunder, ng 10 points at 7 rebounds at wala nang iba pang New York players na umiskor sa double figures.

Ang dunk ni George ang nagbigay sa Thunder ng 53-42 abante sa pagtatapos ng halftime kung saan kumamada si Porzingis ng 19 points.

Tatlong magkasunod na basket ang isinalpak ni Kanter sa pagsisimula ng third quarter para idikit ang Knicks kasunod ang mga pasa ni Westbrook kina Steven Adams at Andre Roberson para sa back-to-back alley-oop dunks na naglayo sa Thunder sa 69-52.

Sa iba pang laro, pinabagsak ng Toronto ang Chicago, 117-100 at giniba ng Los Angeles Clippers ang LA Lakers, 108-92.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with