Foton masusukat sa Cignal
Laro Ngayon(Filoil Flying V Arena, San Juan City)
4 pm Generika-Ayala vs Petron
6 pm Cignal vs Foton
MANILA, Philippines — Sisimulan ng Foton ang pagdepensa sa korona sa kanilang pagharap laban sa Cignal HD habang magtatagpo naman ang malalakas na Petron at Generika-Ayala ngayon sa pagbukas ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Filoil Flying V sa San Juan City.
Hangad din ng Tornadoes ang pangatlong titulo kaya tiyak ang magandang laban kontra sa HD Spikers sa alas-6 ng gabi. Sa unang laro susubukan ng Petron Blaze ang kakayahan ng Generika-Ayala sa alas-4 ng hapon.
Lahat ng laro sa event na sinusuportahan ng Mikasa, Senoh, Mueller, Grand Sports, Rebisco, Island Rose, Cloudfone, UCPB Gen at Asics ay mapapanood ng live sa ESPN5, ang opisyal broadcaster.
Pagkatapos dominahin ng Foton ang huling dalawang edisyon ng Grand Prix, sila pa rin ang paborito sa torneo bunga ng tatlong magagaling na imports na sina Sara Klisura at Katarina Vukamanovic ng Serbia at Dragana Perunicnic ng Montenegro.
Ang naturang imports ay susuportahan ng mga local players na sina Jen Reyes, EJ Laure, CJ Rosario at ang MVP noong nakaraang taon na si Jaja Santiago na naglaro para sa national team sa 19th AVC Asian Senior Women’s Championship at 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“We are prepared. In my opinion, the Grand Prix is a very important tournament so we might as well assemble the strongest possible team. I like our preparation and I believe that our team will make it all the way to the championship,” ani Foton coach Moro Branislav, ang coach din nina Klisura at Vukamanovic sa liga sa Belgrade.
- Latest