^

PSN Palaro

Ateneo pupuwesto na sa Final 4

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta)

2pm DLSU vs ADU

4:30pm ADMU vs FEU

MANILA, Philippines — Puntirya ng Ateneo na dagitin ang unang silya sa Final Four sa pakikipagtipan nito sa Far Eastern University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament ngayon  sa Smart Araneta Coliseum.

Magkukrus ang landas ng Blue Eagles at Tamaraws sa alas-4:30 ng hapon matapos ang duwelo ng nagdedepensang De La Salle University at Far Eas­tern University sa alas-2.

Walang makatibag sa Ateneo na nakasakay sa 9-0 rekord para hawakan ng mahigpit ang solong pa­mumuno.

Sa kanilang huling laro, hindi umubra sa Blue E­agles ang bangis ng National University Bulldogs tungo sa 85-72 panalo.

Nanguna sa naturang laro si Thirdy Ravena na nagsumite ng 15 markers katuwang sina Matt Nieto at Jolo Mendoza na nagdagdag ng tig-10 puntos --ang tatlong manlalarong muling sasandalan ng Blue Eagles katuwang sina Chiz Ikeh,  Anton Assistio at Vince Tolentino.

“We can’t be complacent at this point of the tour­nament. Kailangan pa naming mas mag-trabaho this second round dahil lahat ng teams nakapag-adjust na. We have to work hard,” wika ni Ravena.

Ngunit sa pagkakataong ito, tiyak na mapapalaban ang Ateneo dahil hangad ng FEU na makaresbak sa kanilang tinamong 82-94 kabiguan sa Katipunan-based squad sa first round.

Nasa No. 4 spot ang FEU tangan ang 5-4 cards.

Sa kabilang banda, umaasa naman ang La Sa­lle na madudugtungan nito ang kanilang back-to-back wins para mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto tangan ang 7-2 baraha.

Target ng Green Archers na maulit ang kanilang 85-73 panalo sa Soaring Falcons sa first round.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with