^

PSN Palaro

Rockets diniskaril ang Kings

Pilipino Star Ngayon

SACRAMENTO, California — Kaagad itinayo ng Rockets ang 2-0 panimula sa likod ni James Harden kahit hindi naglaro ang bagong point guard na si Chris Paul.

Kumamada si Harden ng 27 points at 9 assists para tulungan ang R­ockets sa 105-100 paggupo sa Sacramento Kings sa ka­nilang two-game road trip.

Bagama’t hindi maganda ang kanyang naging shooting ay naisalpak naman ni Harden ang tatlong three-pointers para ibigay sa Houston ang 89-79 abante laban sa Sacramento.

Nakapuwersa ang Kings ng shot clock violation sa Rockets sa huling minuto ng laro kung saan sila naiwan sa 92-96.

Isinalpak ni Willie Cauley-Stein ang isa niyang free throw sa nalalabing 41 segundo bago binigyan ni Harden si Clint Capela para sa isang alley-oop dunk na tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Houston.

Tumapos si Capela na may 22 points at pinantayan ang kanyang career high na 17 rebounds.

Hindi naman naglaro si Paul bunga ng kanyang bruised left knee na nag­limita sa kanyang galaw sa naunang 122-121 panalo ng Rockets kontra sa NBA champions na Golden State Warriors noong Martes.

Si Eric Gordon ang su­malo sa trabaho ni Paul at kumamada ng 25 points kasama ang apat na 3-pointers.

“To validate yesterday we had to win today or we wouldn’t validate yesterday,”  wika ni Rockets coach Mike D’Antoni.

Iniupo naman ni Zach Randolph ang kanyang Kings debut matapos sumailalim sa isang oral surgery.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Detroit Pistons ang Charlotte Hornets, 102-90; binigo ng Indiana Pacers ang Brooklyn Nets, 140-131; pinatumba ng Orlando Magic ang Miami Heat, 116-109; giniba ng Washington Wizards  ang Philadelphia 76ers, 120-115; iginupo ng Milwaukee Bucks ang Boston Celtics, 108-100; dinaig ng Memphis Grizzlies ang New Orleans Pelicans, 103-91; sinapawan ng Atlanta Hawks ang Dallas Ma­vericks, 117-111 at ginulat ng Utah  Jazz ang Denver Nuggets, 106-96.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with