^

PSN Palaro

Pirates diretso sa finals

Pilipino Star Ngayon
Pirates diretso sa finals

Nagdiwang ang manlalaro ng Letran makaraang itarak ang 18-0 sweep laban sa San Beda. (Joey Mendoza)

MANILA, Philippines — Nakumpleto ng Lyceum of the Philippines ang 18-0 sweep na awtomatikong nagdala sa kanila sa finals sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ngunit hindi naging madali ang daang tinahak ng Pirates dahil kinailangan nito ng solidong laro sa huling sandali ng bakbakan para iselyo ang pahirapang 107-105 double overtime win laban sa nagdedepensang San Beda College.

Halimaw ang inilatag na laro ni Mike Nzeusseu na humataw ng impresibong 27 puntos at 21 rebounds para sa Pirates na nakatungtong sa finals sa kauna-unahang pagkaka­taon sapul nang sumabak ito sa liga may anim na taon na ang nakalilipas.

Maningning din ang ratsada ni MVP candidate CJ Perez na bumanat naman ng 20 puntos, anim na rebounds, anim na assists at apat na steals gayundin nina Jayce Marcelino at Reymar Caduyac na may pinagsamang 18 markers.

“Credit goes to the pla­yers; they just didn’t want to give up. It’s a testament of working together as a solid group. But it’s still a long way to go and there’s still a lot of things to work on,” wika ni Lyceum head coach Topex Robinson.

Apat na miyembro ng Red Lions ang nagtala ng double figures sa pangu-nguna ni Donald Tankoua na tumipa ng 34 puntos, 13 rebounds at dalawang assists at Robert Bolick na nagsumite naman ng 16 markers.

Nahulog sa 16-2 ang San Beda kung saan kinakailangan nitong dumaan sa stepladder semis upang makabalik sa finals.

Parehong may 27 turnovers ang Lyceum at San Beda subalit mas naging maabilidad ang mga Pirata na nakakuha ng 34 turnover points laban sa 22 lamang ng Red Lions sa kanilang engkuwentro na umabot sa 13 deadlocks at 16 lead changes.

Ito ang unang sweep sa liga matapos walisin ng San Beda ang eliminasyon noong 2011.

Sa ikalawang laro, ini­lampaso ng San Sebastian ang Perpetual Help 80-60 upang maipuwersa ang three-way tie sa No. 4 spot.

Pare-parehong may 9-9 rekord ang San Sebas­tian, Letran at Arellano dahilan upang mauwi sa playoff ang bakbakan para sa huling tiket sa semis.

Nakakuha ng bye ang Stags kung saan haharapin nito ang mananalo sa pagitan ng Knights at Chiefs sa knockout game.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with