^

PSN Palaro

Irving, Celtics pinasiklaban ni James

Pilipino Star Ngayon
Irving, Celtics pinasiklaban ni James

Nagyakapan sina LeBron James ng Cavaliers at Kyrie Irving ng Celtics matapos ang kanilang laro.

Hayward out na sa season, paa lumaylay

CLEVELAND - Hindi naging maganda ang pagbabalik ni Kyrie Irving sa Cleveland.

Kumamada si LeBron James ng 29 points – ang 13 dito ay kanyang iniskor sa fourth quarter – sa kabila ng iniindang sprained left ankle para banderahan ang Cavaliers sa 102-99 panalo laban sa bisitang Boston Celtics.

Ang pasa ni James kay Kevin Love para sa krusyal nitong 3-pointer sa huling 46.3 segundo ang nagbigay sa Cavs ng 102-98 abante  laban sa Celtics.

Nagkaroon si Irving, naglaro ng anim na seasons para sa Cleveland,  ng tsansang maitabla ang laro ngunit nagmintis ang kanyang 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer.

Matapos ito ay niyakap ni Irving si James, ang kanyang teammate sa loob ng tatlong seasons.

Tumapos si Irving na may 22 points sa panig ng Celtics, nakabangon mula sa 18-point deficit sa third period at inagaw ang unahan sa huling 2:04 minuto.

Nabangga naman ni James si Gordon Hayward, pumirma ng four-year, $128 million free agent contract sa Celtics, sa kanyang tangkang pagsapo sa isang alley-oop pass sa 6:45 minuto ng first quarter.

Nagkabuhol ang tuhod ni Hayward at masama ang naging pagbagsak sa sahig.

Ang naturang injury ng 27-anyos na si Hayward ang nagpabago sa inaabangang season opener sa pagitan ng dalawang best teams sa liga.

Mangangai­langan si Hayward ng surgery at ilang buwan para ma­karekober.

Ang crosscourt pass ni James kay Love ang nagresulta sa triple ng forward para sa four-point cushion ng Cleveland kasunod ang free throw ni Irving na naglapit muli sa Boston sa 99-102 agwat.

Tumapos si Love na may 15 points  habang may 14 markers si Derrick Rose sa kanyang debut para sa Cavs.

Sa pagtunog ng final horn ay ginawa nina James at Irving, nagpalitan ng matatalim na salita matapos ang blockbuster trade, ang kanilang signature handshake at binati ang All-Star point guard ng kanyang mga dating teammates.

Ilang beses ding binuska si Irving sa tuwing hahawakan niya ang bola.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with