^

PSN Palaro

Slaughter disqualified sa MVP race

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang akala ng mga Barangay Ginebra fans ay awtomatikong kasama si Greg Slaughter para sa 2017 PBA Most Valuable Player award matapos hirangin bilang Best Player of the Conference ng 2017 PBA Governor’s Cup, isang lumang patakaran ang dumiskaril sa tsansa ng seven-foot giant.

Ayon sa lumang pro league rule, ang isang player na hindi naglaro sa 70 porsiyento ng buong iskedyul ng liga ay hindi maaaring tumanggap ng anumang season-ending awards.

Halos 10 buwan nawala sa aksyon ang 29-anyos na si Slaughter dahil sa isang ACL injury at sa 2017 PBA Governor’s Cup lamang muling nakapaglaro kung saan niya naihatid ang Gin Kings sa best-of-seven championship series laban sa Meralco Bolts.

Sa paghahari ng Ginebra sa season-ending conference laban sa Meralco ay hindi nakapaglaro ang 2014 PBA Rookie of the Year bunga ng injury.

Tinalo ni Slaughter para sa BPC trophy ng komperensya sina Chris Newsome ng Meralco, Jayson Castro ng TNT Katropa at June Mar Fajardo ng San Miguel.

Dahil sa kabiguan niyang makakumpleto ng bilang ng mga laro sa isang buong PBA season ay awtomatikong nabura ang pangalan ni Slaughter para sa PBA MVP, Mythical teams at iba pang awards.

Hindi rin siya kuwalipikado para sa Mythical Team at iba pang individual awards na nakatakdang ibigay bago ang Game Four ng PBA Governor’s Cup Finals bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Sina Fajardo at Chris Ross ng San Miguel ang hinirang na BPC winners sa 2017 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup, ayon sa pagkakasunod at awtomatikong nasa listahan ng mga kandidato para sa 2017 PBA MVP award.

Magiging pormalidad na lamang ang paghihirang sa 6’10 na si Fajardo bilang PBA MVP, ang kanyang ikaapat na sunod na tropeo, para makahanay sina Ramon Fernandez (1982, 1984, 1986 at 1988) at Alvin Patrimonio (1991, 1993, 1994 at 1997).

Kasunod ni Fajardo sa MVP race ang kanyang kakamping si Alex Cabagnot (32.96) at sina Globalport star guard Terrence Romeo (32.01), Castro (31.52) at San Miguel wingman Arwind Santos (30.97).

Samantala, nangu­nguna naman si Wright sa labanan para sa Rookie of the Year award kasunod sina Roger Pogoy ng TNT Katropa, Jio Jalalon ng Star at Kevin Ferrer ng Ginebra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with