^

PSN Palaro

Blue Eagles dumikit sa F4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matayog pa rin ang lipad ng Ateneo nang dagitin nito ang 85-72 panalo kontra sa National University para makalapit sa Final Four slot sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Wala pa ring bahid ang rekord ng Blue Eagles ta­ngan ang 9-0 baraha para makasiguro ng playoff sa semis slot.

Muling nasandalan ng Ateneo si Thirdy Ravena na umiskor ng 15 puntos tampok ang 12 sa second half, kalakip ang walong boards, dalawang assists at dalawang steals habang nagdagdag ng tig-10 sina Matt Nieto at Jolo Mendoza.

Nagparamdam din sina Chiz Ikeh, Anton Asistio at Gian Mamuyac na may tig-walong puntos.

Nagawang makipagsabayan ng Bulldogs kung saan nakuha pa nito ang limang puntos na kalama­ngan at makadikit sa Blue Eagles sa pagtatapos ng third quarter, 65-67.

Ngunit umariba ng husto ang Ateneo sa hu­ling kanto sa pangunguna ni Ravena kasama ang malupit na depensa para malimitahan sa pitong puntos ang NU.

Patuloy na inaalat ang Bulldogs na nalaglag sa 3-6 baraha.

Nakagawa si Jayjay Alejandro ng 22 puntos, pitong rebounds, limang dimes at tatlong steals samantalang may 11 markers si Antonio Joson at walong puntos at 14 boards si Issa Gaye.

“We played better in the second half. Coach Tab Baldwin emphasized on defense. Credit goes to Thirdy and Gian for limi­ting Alejandro to six points in the second half,” wika ni Ateneo mentor Sandy Arespacochaga.

Sa unang laro, pinutol ng Adamson University ang magandang ratsada ng University of the East sa pamamagitan ng 66-57 desisyon upang masolo ang ikatlong puwesto hawak ang 6-3 marka.

Mabilis na nakabalik sa porma ang Soaring Falcons matapos ang kanilang masaklap na kabiguan sa kamay ng Blue Eagles noong Linggo.

Bumawi si Jerrick A­hanmisi na nagtala ng 14 puntos, tatlong assists at dalawang steals para pamunuan ang Soaring Falcons habang nagdag­dag ng double-double output na 12 puntos, 15 boards at dalawang assists si Papi Sarr.

Nalimitahan lamang sa anim na puntos si Ahanmisi sa kanilang huling laro.

Balik sa lupa ang Red Warriors na lumasap ng ikapitong kabiguan matapos magtala ng dala­wang panalo kabilang ang pagsorpresa sa Bulldogs noong nakaraang linggo.

Naglista si Alvin Pasaol ng double-double na 22 puntos at 12 boards samantalang nakalikom naman ng 16 puntos at limang assists si Mark Olayon para sa UE.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with