^

PSN Palaro

Irving handa sa pambubuska ng Cavs fans

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND--Palakpakan o pambubuska.

Ito ang maaaring matanggap ni point guard Kyrie Irving sa kanyang paglalaro ngayon sa Quicken Loans Arena bilang dating miyembro ng Cavaliers at ngayon ay bagong kamador ng Boston Celtics.

“It’s just hoops man,’’ sabi ni Irving.

Nai-trade sa Celtics sa offseason matapos hilingin sa Cavaliers na dalhin siya sa ibang koponan para makaalis sa anino ni LeBron James, maglalaro si Irving sa kanyang regular-season debut kasama ang Celtics laban sa dati niyang koponan.

Sa pagtapak ni Irving sa court ay inaasahang makakatanggap ang All-Star point guard ng palakpakan kagaya ng nakuha niya sa pagtungo sa Boston o sa Golden State o sa Detroit habang naglalaro para sa Cavaliers.

Subalit dahil sa paglipat niya sa Celtics ay posible siyang asarin ng mga Cavaliers fans.

Kasalukuyang may ‘anger issues’ ang Cleveland matapos masibak ang Indians sa playoffs at mabigong manalo ng laro ang Browns.

Nagplano ang Cavs na magpapalabas ng isang video ‘thank you’ para kay Irving, nagsalpak ng ‘biggest shot’ sa franchise history - ang kanyang step-back 3-pointer sa dulo ng Game 7 ng NBA Finals na nagbigay sa Cleveland ng unang titulo matapos ang 52 taon.

Ang nasabing tribute ang maaaring maging ‘closure’ para kay Irving at sa Cavs fans.

Ngunit noong nakaraang linggo ay sinabi ni Irving na nasasabik siyang maglaro para sa Celtics.

Sinabi naman ni Cavs coach Tyronn Lue na ma-tatanggap ng dati niyang point guard ang dapat nitong makuha mula sa mga Cleveland fans.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with