^

PSN Palaro

Pagbuo sa unified collegiate sports suportado ng PSC

Pilipino Star Ngayon
Pagbuo sa unified collegiate sports suportado ng PSC

Kasama nina PSC Chairman Butch Ramirez, dating Sen. Nikki Coseteng ng Philippine Swimming League chairman, PSL President Susan Papa, PSL Secretary General Maria Susan Benasa at dating PSC Commissioner Chito Loyzaga ang mga lumahok sa
National Consultative Meeting on Collegiate Sports sa Philsports Complex sa Pasig City.

MANILA, Philippines — Nabigo umano ang  Philippine Sports Commission sa kanilang mandato tungkol sa pag-angat sa grassroots development ng sports sa nakaraang 27 taon.

Ito ang pahayag ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na umaasa na sa pamamagitan ng National Consultative Mee­ting on Collegiate Sports na i­numpisahan kahapon hanggang ngayon, mabibigyan ng solusyon ang naka-binbin na programa.

Mahigit 98 sa kabuuang 140 universities at colle­ges sa buong bansa ang du­malo sa Consultative Mee­ting para sa collegiate sports sa Philsports Complex,  Pasig City.

Sa ikalawang araw ng pagtitipon ngayon, naka­tak­dang magdesisyon ang mga delegado kabilang   mula sa UAAP, NCAA at ibang sports associations sa Visayas at Mindanao kung magtatayo ba ng panibagong nationwide athletic associations.

Ang naturang planong pagbuo ng nationwide athletic association ay sinuportahan naman ng karamihan sa mga delegado kabilang na sina dating PSC commissioner Chito Loyzaga na ngayon ay athletic director ng  NU, Paul Supan ng Jose Rizal University at NCAA at  dating Senador Nikki Coseteng, may-ari ng Diliman College sa Quezon City.

Sinabi pa ni Ramirez na susuportahan ng PSC kung anuman ang magi­ging desisyon ng mga de­legado.

Sa panig naman ng Kongreso, nangako si Rep Mark Zambar na isang mi­yembro ng Youth and Sports Development Committee ng suporta para sa pagpapatayo ng unified collegiate sports.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with