^

PSN Palaro

Tenorio nais nang tapusin ang Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tenorio nais nang tapusin ang Bolts

Libreng naibato ni LA Tenorio ng Ginebra ang kanyang tres laban kay Chris Newsome ng Meralco sa Game 2 ng PBA Governors’ Finals. Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kung may kahilingan man si LA Tenorio para sa kanyang sarili, ito ay ang makumpleto ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang pagwalis sa Meralco sa kanilang championship series sa 2017 PBA Governor's Cup Finals.

Kung maagang masisibak ng Gin Kings ang Bolts para sa korona ay kaagad sasailalim sa isang operasyon si Tenorio para sa kanyang injured shooting elbow.

“Kung 100 percent siguro baka hindi pumasok,” sabi ng 33-anyos na veteran guard sa kondisyon ng kanyang kanang siko. “Kaya ayokong ipaopera kasi nakaka-shoot naman ako.”

Noong Agosto ay inisip niyang ipaopera ang kanyang right elbow injury, ngunit hindi niya ito itinuloy.

Sa kabila ng kanyang injury ay nagtala si Tenorio ng 44 percent fieldgoal field sa season-ending conference na tinatampukan ng 40-of-95 clip sa three-point range.

Ang krusyal na tres ni Tenorio, ang No. 4 overall pick ng San Miguel noong 2006 PBA Draft, ang nagbigay sa Ginebra ng 82-76 abante laban sa Meralco sa huling 1:07 minuto ng fourth quarter.

At mula rito ay kinuha ng Gin Kings ang 86-76 panalo kontra sa Bolts at iposte ang 2-0 bentahe sa kanilang titular showdown.

“LA has been a big shot maker for us the whole conference,” sabi ni  Ginebra coach Tim Cone kay Tenorio. “And he's playing with a bum elbow too, he's gonna have a surgery on his (shooting) elbow at the end of the conference.”

“But he's playing through it and still shooting the ball well,” dagdag pa ng two-time PBA Grand Slam champion mentor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with