^

PSN Palaro

Beth Celis

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Malungkot na balita para sa sports community ang pagpanaw ni Ms. Beth Celis, ang beterano at tanyag na sports co­lumnist.

Kilala siya bilang Ma­dam Beth o Miss Beth. Mama Beth naman ang tawag ko sa kanya. Bacsi ang tawag niya sa akin.

Sa edad na 73, parang isang magulang ang tingin ko sa kanya. Pero sa totoo lang ay mas tinuring ko siyang kaibigan.

One of the boys.

Masarap kasama sa kwentuhan. No limits. Kahit ano ay pwedeng pag-usapan. Kahit below the belt ang topic.

Sa mundo ng PBA, walang hindi nakakakilala kay Mama Beth. Mula sa original days ng PBA nung 1970s hanggang sa modern days.

Mula Robert Jaworski,  Alvin Patrimonio at James Yap ay kinober ni Mama Beth.

Specialty niya ang sumulat ng mga pinakamainit na balita sa mundo ng PBA. Minsan ay mauuna pa niyang malaman ang trade bago ito malaman ng mga players na involved sa trade.

Maging ang mga sports officials ay tumutugon sa kanya para humingi ng  advice, ng saklolo kung kailangan.

Matagal ding nakipaglaban sa kanyang karamdaman si Mama Beth. Sa diabetis nagsimula ang kanyang kalbaryo.

Pero tinawanan lang niya ito.

Nakikinita ko na hanggang sa mga huling sandali, deep inside, ay nakangiti pa rin si Mama Beth, nag-iisip ng mainit na topic para sa sunod niyang kolum.

Rest in peace.

Salamat, Mama Beth.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with