PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kampo ni Horn planong ikasa ang rematch kay Pacquiao sa Abril

MANILA, Philippines — Hangad ng kampo ni World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Jeff Horn na idaos ang rematch nila ni boxing icon Manny Pacquiao sa Abril sa susunod na taon.

“The plan is to get this one done and then hopefully next April we’ll get Pacquiao back to Brisbane,” sabi ng chief trainer ni Horn na si Glenn Rushton na isa ring wealthy Brisbane-based investment banker.

Matatandaang hindi na­tuloy ang planong Pacquiao-Horn rematch sa darating na Nobyembre kaya napilitan ang Australyanong boxing champion na lalabanan ang British boxer na si Gary Corcoran. 

Itataya ng 29-anyos na si Horn ang korona laban kay “Hellraiser” Corcoran sa Disyembre 15 sa Brisbane, Australia. Ang 26-anyos na si Corcoran ang WBO Intercontinental champion na tangan ang 26-1 win-loss record.

Ayon kay Rushton, kailangan nilang maging aktibo si Horn palagi kaya kaila­ngang hanapan ng karapat-dapat na kalaban.

“(Corcoran) comes to fight, he’s a tough boy,” pahayag ni Rushton sa Boxing Scene.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kung mananalo si Horn kay Corcoran, ipupursige ng kanyang kampo na ituloy ang Pacquiao-Horn 2 sa Brisbane, Australia sa susunod na taon.

Nagwagi si Horn kay Pacquiao sa isang controversial unanimous decision sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia noong nakaraang Hulyo 2.

Nauna na ring ipinahayag ni Pacquiao na gusto nitong sa Pilipinas mangyari ang rematch nila ni Horn ngunit hindi ito pinaboran ni Top Rank boss Bob Arum dahil sa katuwiran na  malaki ang gagastusin bunga sa exchange rate ng Philippine peso na umabot sa Php52 kontra sa US$1.

“He wants to fight in the Philippines and with the peso being P52 to the dollar. How the hell is everybody going to get paid, let alone him,!”ayon sa nauna ng sinabi ni Arum sa Boxing Scene.

“I would love to do a big fight for him in Manila or some place else in the Philippines, but the problem is don’t expect me to pay for it. The tourism board in the Philippines has told us they’ll do everything to help promote the fight except put up money. You’ve got to respect that,” aniya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: