PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Chiefs lumakas ang tsansa sa F4

Nag-agawan sa bola sina Prince Eze ng Perpetual at Lervin Flores ng Arellano.

MANILA, Philippines — Nagsilbing lider si Ler­vin Flores para manduhan ang Arellano University sa 62-52 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta para manatiling buhay ang pag-asa nito sa Final Four ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Wala ang main man ng Chiefs na si Kent Salado na nagtamo ng MCL (medial collateral ligament) sa kanilang 85-79 panalo sa San Sebastian College noong Martes.

Kaya naman kinuha ni Flores ang pasaning bitbitin ang kanyang tropa.

At hindi naman nabigo ang buong Arellano community matapos humataw si Flores ng 19 puntos, walong rebounds, dalawang assists at isang steal para hatakin ang Chiefs sa 8-9 rekord.

“The players knew before the game that with or without Salado, we have to find ways to win, good thing we did,” ani Arellano head coach Jerry Codiñera.

Naging katuwang ni Flores si Rence Alcoriza na nagpasabog ng 16 puntos kabilang ang dalawang three-pointers, pitong boards at isang steal gayundin si Levi dela Cruz na may 11 markers, apat na rebounds, apat na assists at isang steal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil sa panalo, naka­dikit na ang Arellano sa pumapangatlong Colegio de San Juan de Letran may may 8-8 baraha.

Nauna nang humirit ng tiket sa Final Four ang Lyceum of the Philippines (16-0), nagdedepensang San Beda College (15-1) at Jose Rizal University (11-6).

Kinakailangan ng Arellano na talunin ang Mapua sa Martes at umasa na matalo ang Letran sa San Beda at College of St. Benilde para mapalakas ang tsansa nito.

Nalaglag ang Perpetual Help sa 4-12 marka sa kabila ng pinagsikapang 11 puntos, 22 boards at apat na blocks ni Nigerian Prince Eze, at 14 puntos ni Jeff Coronel.

Sa ikalawang laro, sumandig ang St. Benilde sa balikat ni Senegalese Clement Leutcheu para tuluyan ng sibakin sa kontensiyon ang Emilio Aguinaldo College sa bisa ng 94-84 panalo sa overtime.

Tumapos si Leutcheu ng 24 points at 14 boards para ibigay sa Blazers ang ika-apat na panalo matapos ang ika-13 kabiguan.(CCo)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: