PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Labanan ng Estratehiya hahataw na

Meralco mentor Norman Black, Ginebra coach Tim Cone

Ginebra-Meralco Finale

MANILA, Philippines — Isa na namang ‘chess game’ ang makikita sa pagitan nina head coach Tim Cone ng nagdedepensang Barangay Ginebra at mentor Norman Black ng Meralco sa 2017 PBA Governor’s Cup Finals.

Inaasahan ni Cone, ang two-time PBA Grand Slam champion coach, na gagamitin ng Bolts ang kanilang liksi para matakpan ang bentahe ng Gin Kings sa shaded lane.

“We’re always going to be the bigger team with Greg (Slaughter) and Japeth (Aguilar), but they have size, strength, and quickness, so they can play the way they want to play,” ani ng 59-anyos na si Cone, nasa kanyang ika-31 Finals stint at hangad ang pang-20 PBA championship.

Magtutuos ang Ginebra at Meralco sa Game One ngayong alas-7 ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Tinapos ng Gin Kings sa 3-1 ang kanilang best-of-five semifinals duel ng TNT Katropa  para umabante sa kanilang ika-24 championship stint at pupuntiryahin ang pang-10 titulo.

Mabilis namang winalis ng Bolts ang Star Hotshots, 3-0 patungo sa kanilang ikalawang sunod na Finals appearance sa season-ending conference.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang buzzer-beating three-point shot ni import Justin Brownlee laban kay Allen Durham sa Game Six ang nagbigay sa Ginebra ng kampeonato noong nakaraang taon.

Tiyak na bibigyan ni Cone ng mahabang pla­ying time ang seven-footer na si Slaughter at ang 6’8 na si Aguilar para magdomina sa shaded lane.

“The important thing is to control the rebounds,” sabi ni Black, ang one-time PBA Grand Slam cham­pion mentor. “If we get stops, we have to make sure that they won’t get second chance points. That will give us a chance to run.”

Walang dudang magi­ging emosyunal at pisikal ang titular showdown ng Gin Kings at Bolts, ayon kay Durham na muling makakaduwelo si Brownlee sa PBA Finals sa ikalawang pagkakataon.

“We just got to stay calm, not over react because it’s a long game, a long series,” sabi ni Durham, hinirang na 2016 PBA Best Import.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: