PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kiefer Ravena sumabak na sa PBA draft

MANILA, Philippines — Pinalawak pa ni Kiefer Ravena ang pamimilian ng mga koponan sa darating na PBA draft matapos niyang mapagdesisyunan na sumali na.

Inihayag ni UAAP two-time MVP Ravena ang paglahok sa PBA draft sa kaniyang Twitter account.

Noong 2015 pa nagtapos sa Ateneo de Manila University si Ravena ngunit hindi muna siya nagpa-draft.

Matapos ang karera sa collegiate league, naglaro para sa Texas Legends ng NBA D-League si Ravena.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pinangunahan din niya ang Mighty Sports sa Republica Cup at Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Ilang beses ding nagsilbi para sa bayan si Ravena sa paglalaro sa  Southeast Asian Games, 2017 FIBA 3x3 World Cup at 2017 FIBA Asia Champions Cup in China.

Makakasama ng 23-anyos na basketbolista sa rookie pool sina 6'8" Filipino-German Christian Standhardinger at Jeron Teng ng De La Salle University.

Ang Kia Picanto ang makakakuha ng top pick sa Oktubre 29.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: