^

PSN Palaro

Sibak

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nasibak ang San Miguel Beer sa PBA Governors Cup.

Kicked out.

At dahil dito, naglaho parang bula ang kanilang pangarap na makamit ang grand slam o ang ikatlong championship sa isang buong season.

Ewan ko kung ano ang nangyari sa San Miguel Beer.

Okay naman sila hanggang sa matalo sa Meralco. At dahil dito ay nakaharap nila ang Ginebra sa quarterfinals.

Ginebra ang defending champion. Sister team kung tawagin dahil iisa ang may ari ng team -- ang San Miguel Corporation.

Ang hinala ng ibang tao ay ibibigay ng Ginebra ang laro dahil daw para sa mga team owners ay mas mahalaga ang grand slam. Yang ang naging haka-haka papunta sa quarterfinals.

Pero hindi ito ang nangyari,

Dinurog ng Ginebra ang San Miguel.

Laglag ang tuka ng Beermen na naglaro ng masama at akala mo ay walang nakataya sa laro.

Eh sa nilaro ng San Miguel laban sa Ginebra ay kaya silang talunin ng Kia.

Semifinals na ngayon ng PBA. Best-of-five sa pagitan ng Ginebra at Talk ‘N Text at Meralco kontra Star.

Ang Beermen?

Goodbye grand slam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with