Star sigurado na sa Playoffs
MANILA, Philippines — Hindi iniisip ng Star kung makakapasok sila sa Top Four.
Ang mahalaga ay ang ipanalo ang kanilang huling laro sa elimination round papunta sa playoffs.
Bumangon ang Hotshots mula sa 15-point deficit sa second quarter para resbakan ang NLEX Road Warriors, 101-93 sa pagtiklop ng eliminasyon ng 2017 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
“We just needed to win…whatever happens in the second game,” sabi ni Star coach Chito Victolero. “I’m proud of my players especially in the second half. Maganda yung execution namin.”
Makakasama ang Star sa TNT Katropa sa Top Four kung mananaig ang Meralco laban sa San Miguel sa ikalawang laro kagabi.
Pinamunuan ni veteran guard PJ Simon ang Hotshots mula sa kanyang 16 points kasunod ang 15 at tig-14 markers nina Paul Lee, import Kristofer Acox at Aldrech Ramos, ayon sa pagkakasunod.
Nagdagdag naman si veteran playmaker Mark Barroca ng 13 points, 4 rebounds at 2 assists.
Kinuha ng NLEX ang 15-point lead, 39-24 sa second period bago nakabawi ang Star sa second half para itala ang 10-point advantage, 91-81 mula sa three-point shot ni Justin Melton sa huling 4:35 minuto ng final canto.
Ang tirada ni Marc Pingris ang naglayo sa Hotshots sa 101-87 kalamangan kontra sa Road Warriors sa natitirang 1:01 minuto ng labanan para tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo.
Binanderahan ni reinforcement Aaron Fuller ang NLEX mula sa kanyang 16 points.
Star 101 - Simon 16, Lee 15, Acox 14, Ramos 14, Barroca 13, Dela Rosa 8, Melton 6, Pingris 6, Sangalang 4, Jalalon 3, Brondial 2, Reavis 0.
Meralco 93 - Fuller 16, Mallari 13, Fonacier 12, Alas 9, Al-Hussaini 9, Quiñahan 9, Lastimosa 8, Taulava 5, Tiongson 5, J. Villanueva 3, Soyud 3, Baguio 1, Rios 0.
Quarterscores: 17-25; 36-44; 72-69; 101-93.
- Latest