^

PSN Palaro

Lions dale na ang semis

Pilipino Star Ngayon
Lions dale na ang semis

Pinayungan nina Philip Tampoc at Sidney Onwubere ng EAC si  Lervin Flores ng Arellano  sa aksyong ito sa NCAA men’s basketball. Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Napigilan ng nagdedepensang San Beda College na sumabog ang Jose Rizal University sa bisa ng 65-60 desisyon upang pormal na masungkit ang kanilang tiket sa Final Four ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sumandal ang Red Lions sa solidong laro nina Javee Mocon at Davon Potts na siyang gumawa ng mga krusyal na puntos para hatakin ang Mendiola-based squad sa ika-12 panalo sa 13 pagsalang.

“We had good defense that  resulted in crucial shots for Javee and Davon. Ac­tually, if we lost this game, the blame is on me. Credit goes to coach Vergel Me­neses and Jose Rizal for playing a good game,” wika ni San Beda mentor Boyet Fernandez.

Nakalikom si Mocon ng 19 puntos, 15 rebounds at limang assists habang nagbigay naman si Potts ng kabuuang 14 puntos kabilang ang apat na three-pointers at apat na rebounds.

Hawak ng Heavy Bombers ang 57-56 kalamangan sa huling apat na minuto nang pamunuan nina Potts at Mocon ang 8-0 run ng Red Lions tungo sa 64-57 bentahe. Naitarak ni Potts ang back-to-back triples na sinundan ng isang basket ni Mocon.

“It’s our defense that helped us win this game.We gave up 27 points in the third quarter. We also had 25 turnovers, the same turnovers in our last game. We have to be consistent to win our games,” dagdag ni Fernandez.

Naglista rin si Came­roonian Donal Tankoua ng double-double na 14 points at 13 rebounds para sa San Beda na naramdaman ng husto ang lakas sa shaded area matapos humatak ng 51 rebounds laban sa 30 lamang ng Heavy Bombers.

Nalaglag sa 7-6 ang Heavy Bombers na posible pang masibak sa kontensiyon sa oras na umangat ang iba pang koponang nag­hahabol na makahirit ng tiket sa semifinals.

Ang panalo ng San Beda ang nagbigay ng awtomatikong twice-to-beat sa Lyceum of the Phi­lippines (13-0) sa Final Four.

Sa pagpasok ng Ly­ceum at San Beda sa semis, inaasahang magpapatayan ang mga nala­labing koponan para sa huling dalawang silyang natitira sa semis. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with