Smart suportado ang Chooks-to-Go Pilipinas
MANILA, Philippines — Makikipagtulungan ang Smart Communications sa pamamagitan ng Smart Sports sa national club team na Chooks-to-Go Pilipinas para sa 2017 FIBA Asia Champions Cup sa Chenzhou, China.
Natulungan na ng Smart, kasama ang MVP Sports Foundation, ang mga Filipino athletes na matupad ang kanilang pangarap na makalaro sa global sports stage hindi lamang sa basketball, kundi pati na rin sa boxing, taekwondo at cycling.
Natutuwa ang Smart na nagsisimula nang makiisa ang mga Philippine companies sa kanilang misyon na palakasin ang basketball sa bansa.
“We started the Gilas program back in 2007 to help achieve the Filipino dream of reaching the Olympics and the World Cup,” sabi ni SMART chairman Manny V. Pangilinan. “Years later, we have found a partner Chooks-to-Go that can help grow the program. This is what sports does to us Filipinos, it brings us together.”
Bukod sa Gilas, sinuportahan na rin ng SMART Sports ang mga club at collegiate teams sa bansa sa hangaring mabigyan ng inspirasyon ang mga kabataang Pinoy.
Nakikita ang commitment ng Chooks-to-Go, ibinabalik ng SMART Sports ang naturang suporta sa pamamagitan ng pagtulong sa koponan.
“Together with the Filipino people, we wish Chooks-to-Go team all the best,” ani Pangilinan. “Puso!”
Itatampok sa torneo ang 10 club teams sa Asia.
- Latest