PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Roach pabor sa Pacquiao-Horn rematch

MANILA, Philippines – Kung ang batikang trainer na si Freddie Roach ang tatanungin, kaya pang sumabak ni eight-division champion Manny Pacquiao ng isa pang laban bago magretiro.

Sinabi ni Roach na kung mangyayari ito ay dapat maikasa ang rematch ni Pacquiao kay Jeff Horn.

"I do want him to take the rematch with Jeff Horn," wika ni Roach sa Sky Sports. "That would be, I think, the best fight for him at this point and it looks like that might happen next year, early next year.”

Naagaw ni Horn kay Pacquiao ang WBO welterweight nitong Hulyo sa Australia.

Balak umano ni Pacquiao na gawin ang rematch dito sa Pilipinas ngunit ayaw naman itong pondohan ni Top Rank chief Bob Arum gayun din ang Department of Tourism.

Sinabi ni Roach na sa kabila ng tumatandang Pacquiao ay may ibubuga pa ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“He's close to the end yes, but he's not finished yet though,” wika ng trainer.

"He is still very dedicated, he works really hard and he puts 100 percent into training every day when we're getting ready for a fight," dagdag niya.

Kung sakaling manalo sa pinaplanong rematch, pipilitin na ni Roach na magretiro si Pacquiao dahil na rin sa trabaho nito bilang senador.

“I would like to see him retire after that fight because being a senator and a professional boxer is way too much,” patuloy ni Roach.

"It's two jobs that are very, very demanding. I would like to see Manny concentrate on being a great senator and then maybe a great president someday.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: