^

PSN Palaro

De Ocampo abante sa NAASCU quarterfinals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatumba ng De Ocampo Memorial College ang Manuel Luis Quezon University, 86-75 para masiguro ang kanilang tiket sa quarterfinals ng NAASCU Season 17 men's basketball tournament sa RTU gym sa Mandaluyong.

Bumandera sa ratsada ng Cobras sina Jhonard Clarito at Angelo Ramos upang tulungan ang kanilang tropa na makuha ang top seeding sa Group B na nagbigay sa kanila ng awtomatikong tiket sa quarterfinals kalakip ang twice-to-beat incentive.

Nagrehistro si Clarito ng 25 puntos at 14 rebounds habang kumana naman si Ramos ng 15 puntos at anim na rebounds para sa De Ocampo na sumulong sa pitong sunod na panalo - ang bukod tanging koponan sa liga na may imakuladang rekord.

Nangibabaw si Jayson Grimaldo para sa Stallions bitbit ang naitala nitong 27 puntos at 12 rebounds samantalang umani naman si Gianne Rivera ng 19 puntos.

Makakasama ng De Ocampo sa quarterfinals ang defending champion St. Clare College-Caloocan (6-1) at Philippine Christian University (5-2) na siyang mga nangunang tropa sa Group A.

Sa iba pang resulta, nanaig ang Our Lady of Fatima University sa Holy Angel University , 83-78 habang pinatumba ng Pasay City University lang Lyceum of Subic Bay, 91-72.

Nagsanib-puwersa sina Dunray Geraldo at Jessiery Pedrosa sa pagkolekta ng 28 puntos para sa Phoenix.

Nagtala naman si Karl Christian Sampang ng 21 puntos at siyam na rebounds para sa Holy Angel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with