Draw uli kina So, Chinese GM
MANILA, Philippines — Muling nauwi sa draw ang laban nina Filipino Grandmaster Wesley So at Chinese GM Ding Liren sa second game ng kanilang semifinal match kahapon sa 2017 FIDE (International Chess Federation) World Chess Cup na ginaganap sa Tbilisi, Georgia.
Nagdesisyon sina No. 2 So at No. 11 Ding na maghati sa puntos matapos ang 58 moves para maipuwersa ang 1-1 draw sa kanilang unang dalawang standard chess games.
“Today was a very tough game. I tought I might be very close to loss at one point and I’d like to thank the Lord for let me save the game and keep my chances still alive for now. I’ll see what happens tomorrow (in playoff). In the end it was very difficult to defend,” pahayag ng 23-anyos Bacoor City pride sa panayam ng chessbase.com.
Nauna nang nagkasya sa draw sina So at Ding sa first match matapos ang 47 moves ng Guioco Piano.
Dahil dito, maglalaro sina So at Ding sa playoff na tatampukan ng dalawang rapid games upang madetermina ang manlalarong papasok sa championship round.
Sa kabilang semis match, nag-draw din sina fifth seed GM Levon Aronian ng Armenia at eigtth seed GM Maxime Vachier-Lagrave ng France.
Gaya nina So at Ding, maglalaban din sina Aronian at Vachier-Lagrave sa playoff para sa karapatang umabante sa finals.
- Latest