^

PSN Palaro

Meralco didikit sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Pupuntiryahin ng Meralco ang kanilang ikatlong sunod na panalo para makalapit sa isa sa apat na 'twice-to-beat' incentive sa pagsagupa sa talsik nang Globalport.

Umiskor ang Bolts ng 96-90 panalo laban sa Star at 106-78 paggupo sa sibak nang Alaska na nagpa­lakas sa kanilang pag-asa sa Top Four.

“There're still a lot of teams fighting for the twice-to-beat so we'd try to get more wins,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black sa pagharap ng Meralco laban sa Globalport ngayong alas-7 ng gabi sa 2017 PBA Governor's Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magkakaroon ng 'twice-to-beat' advantage ang No. 1, 2, 3 at 4 teams laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod sa quarterfinals.

Sa naturang panalo kontra sa Aces ay kumolekta si 2016 Best Import Allen Durham ng 26 points 18 rebounds at 6 assists habang umiskor si rookie guard Mike Tolomia na may career-high na 24 points mula sa perpektong 6-of-6 shooting sa three-point line.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay magtutuos naman ang Hotshots at sibak nang Kia Picanto.

Kailangan ng Star na walisin ang kanilang huling dalawang laro laban sa Kia at NLEX sa Linggo para sa tsansang makasama sa Top Four.

“We need to win our remaining games, then 'yong ibang teams matalo,” sabi ni mentor Chito Victolero sa kanyang Hotshots, nagmula sa 99-104 kabiguan sa TNT Katropang Texters noong nakaraang Linggo kung saan nila ipinarada si import Kristofer Acox bilang kapalit ni Malcolm Hill.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with