^

PSN Palaro

UAAP: Lady Bulldogs diretso sa 51

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namamayagpag pa rin ang reigning champion National University na pinalawig ang kanilang winning streak sa 51 matapos ilampaso ang University of Santo Tomas  sa pamamagitan ng 95-65 demolisyon kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagpasabog ang Lady Bulldogs ng 54-27 atake sa second half laban sa Tig­resses para mapatatag ng NU ang kanilang kapit sa solong liderato hawak ang malinis na 3-0 rekord.

Nangibabaw si Trixie Antiquera para sa Lady Bulldogs na humakot ng 27 puntos habang kumana naman si Jack Daniel Anmam ng double-double na 23 points at 18 rebounds.

Halos magtala naman si Ria Nabalan ng triple-double na 17 points, 11 boards at siyam na assists para sa NU.

Kumana rin si Rhena Itesi ng sariling double-double na 13 points, 10 boards at dalawang blocks sa hanay ng Lady Bulldogs.

Bagsak ang UST sa four-way tie sa No. 2 spot kasama ang Far Eastern University, University of the East at Ateneo de Manila University na may magkakatulad na 2-1 kartada.

Sumampa naman ang Adamson University sa winners’ column nang payukuin nito ang La Salle sa iskor na 88-84 sa likod ni Nathalia Prado na may 26 points.

Lumasap ang Lady Archers ng ikatlong sunod na kabiguan para mabaon sa ilalim ng standings.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with