^

PSN Palaro

Diaz, Cray nakuntento sa silver

Pilipino Star Ngayon

ASHGABAT, Turkmenistan — Ang mga inaasa­hang sina 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at Fil-American Eric Cray ay nabigong makamit ang inaasam na gold medal sa 5th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) kamakalawa ng gabi rito sa Ashgabat Olympic Complex.

Nagkasya lamang si Diaz sa silver medal matapos magtala ng kabuuang 204 points para puma­ngalawa kay Liao Qiuyun (208) ng  China sa pinagsamang pagbuhat sa snatch at clean and jerk sa 53kg category.

Si Turkmenistan bet Kristina Skermetova (196) ang kumuha sa bronze.

“Kaya ko pa pala,” sabi ng 26-anyos na Pinay weightlifter. “Sabi ko nga ayoko na, gusto ko na mag-give up kasi nahirapan ako mag-disiplina. Pero hindi rin ako nag-give up… Kaya ko pala, napatunayan ko na kaya ko pa, wala sa age.”

“Hindi dahil nanalo ka na hindi ka na pwedeng bumalik pa, puwede pa pala,” dagdag pa ng tubong Zamboanga City.

Pumangalawa naman si Cray sa 60m run sa kanyang isinumiteng 6.63 segundo sa ilalim ng 6.55 segundo ni reigning champion Hassan Taftian ng Iran kasunod si Iranian Reza Ghasemi (6.64).

Tumapos si long jum­per Janry Ubas sa ikaapat sa kanyang nilundag na 7.40-meters sa ilalim nina gold medalist Nguyen Tien Trong ng Vietnam (7.48m), Amila Pedige ng India (7.45m) at Chan Ming Tai ng Hong Kong (7.44m).

Sa taekwondo, nakuntento sina Kirstie Elaine Alora at Kristopher Ro­bert Uy sa bronze medal matapos yumuko kina Svetlana Osipova (8-16) ng Uzbekis­tan at Liu Jintao (10-27) ng China, ayon sa pagkakasunod, sa semifinals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with