^

PSN Palaro

Pinoy Para Gamers humataw ng 8 ginto

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Pinoy Para Gamers humataw ng 8 ginto

 Ang gold medalist na sina Ernie Gawilan at Gary Bejino kasama si PSC Commissioner Arnold Agustin.

MANILA, Philippines — Umani ng walong gintong medalya ang Team Philippines, tatlo mula sa chess, dalawa sa swimming, dalawa sa athletics at isa sa cycling kahapon sa 9th ASEAN Para Games na idinadaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Makaraan ang apat na araw, ang Pilipinas ay mayroon ng 11 gold, 12 silvers at 11 bronze medals para umakyat sa ika-limang puwesto mula sa pang-pito noong Martes.

Ang Indonesia pa rin ang nangunguna sa 57-39-28 kasunod ang host Malaysia (48-41-35).

Sa chess sa MITEC Hall 3, pinangunahan ni FIDE Master Sander Severino ang tatlong ginto sa kanyang panalo sa individual standard event sa physically impaired sa kabuuang 5.5 puntos at nakisosyo sa kababayang si Henry Lopez para angkinin ang ginto sa team event.

Ang ikatlong ginto sa chess ay mula kay Menandro Ridor at Israel Peligro sa visually impaired category.

“If we are going to win, we should win fair and square,” ani chess coach James Infiesto, matapos ang nangyaring gulo nang ideklarang individual winner si Ridor pagkaraang tumapos sa parehong 9.5 points kasama ang Indonesian player ngunit binago ang desisyon pabor sa Indonesian dahil sa winner-over-the-other rule tie-break system.

Sa athletics sa Bukit Jalil National Stadium, nagwagi si Cielo Honasan sa centerpiece 100-m dash sa oras na 13.96 segundo para sa kanyang sprint double pagkaraang manalo rin sa 200-m dash noong Lunes.

Nasungkit din ni Prudencia Panaligan ang ginto sa 100-m dash sa T52/53/54 category sa oras na 18.32 segundo para sa ikalawang ginto mula sa athletics kahapon.

Sa swimming naman sa National Aquatic Center, nasikwat ni Ernie Gawilan ang ginto sa 400-m freestyle (4:57.49) sa S8 category  at  tumapos pa sa silver sa 100-m butterfly. Hindi rin nagpahuli si Gary Bejino at inangkin ang ginto sa 400-m freestyle sa S7 category sa oras na 5:33.81.  Si Roland Sabido ay nag-uwi rin ng silver medal sa 400-m freestyle sa  S9 category (5:15.66-sec).

At sa cycling sa Dataran Putrajaya track,  namayani  rin si  Arthus Bucay nang dominahin ang individual time trial sa C5 sa oras na 17:44.186. Hindi pa nakuntento ang 36-an­yos na si Bucay ng Marikina sa kanyang ginto at nag-uwi pa ng dalawang silver medal mula sa one-kilometer track at 4000 individual pursuit events.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with