^

PSN Palaro

Mbala nagpasiklab sa pagbabalik

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mbala nagpasiklab sa pagbabalik

Nagpipilit makalabas si Ben Mbala ng La Salle sa depensa ni Papi Sarr ng Adamson sa UAAP. Joey Mendoza

La Salle pinana ang Adamson

MANILA, Philippines — Magarbo ang pagbabalik-aksiyon ni Cameroonian Ben Mbala nang hatakin nito ang La Salle sa 85-73 pa­nalo laban sa Adamson University kahapon sa UAAP Season 80 men’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inilabas ni Mbala ang kanyang mala-MVP na performance nang humataw ito ng career-high 32 points kalakip ang 10 rebounds, apat na blocks at isang steal para banderahan ang ratsada ng Green Archers sa pagpana ng ikatlong sunod na panalo.

“We weren’t able to execute our game plan I thought we’re kind of sluggish. Still the third game of the season and we still have time (to improve our game),” ani Mbala.

Sumosyo ang La Salle sa liderato kasama ang Ateneo na may 3-0 marka.

Nakakuha si Mbala ng papuri mula kay La Salle mentor Aldin Ayo subalit hindi ito kuntento sa naging laro ng kanyang buong tropa.

“Ini-expect na namin na ganito ang lalaruin niya (Mbala). But it’s a bad win. Hindi namin na-sustain yung first half game namin sa second half,” wika ni  Ayo.

Nakakuha ng suporta si Mbala kay Leonard Santillian na kumana ng 10 puntos at pitong boards gayundin kina Abu Tratter at Rasleigh Rivero na may pinagsamang 17 puntos at Ricci Rivero na naglista ng anim na puntos kasama ang 13 rebounds at dalawang assists.

Nakalikom si Robbie Ma­nalang ng 16 markers para sa Soaring Falcons habang may double-double na 12 puntos at 16 boards si Papi Sarr at 19 puntos sina Jerrick Ahammisi at Jerie Pingoy.

Ito ang ikalawang kabi­guan ng Adamson sa tatlong pagsalang.

Sa unang laro, nagbalik sa porma ang National University nang paamuhin nito ang UST, 94-84 para umangat sa 2-1 rekord.

Nakakuha ng solidong laro ang Bulldogs mula kay Senegalese slotman Issa Gaye na bumanat ng double-double na may 17 puntos, 13 rebounds at apat na blocks habang nakatulong din si Dave Yu na may 13 markers.

 Wala pa ring panalo ang Growling Tigers sa tatlong laro sa kabila ng pinaghira­pang career-high na 23 points ni Regie Basibas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with