PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hontiveros, Dela Cruz ng Alaska Aces nagretiro na

MANILA, Philippines – Nakatakdang laruin nina Dondon Hontiveros at Tony dela Cruz ang kanilang huling laban sa PBA ngayong Miyerkules kasunod ng kanilang pagreretiro.

Matapos ang 17 season, mamamaalam na sa professional league si Hontiveros sa edad na 40, habang 39 anyos naman si dela Cruz.

Naging makulay ang karera ni Hontiveros na binansagang “Cebuano Hotshot” dahil sa kaniyang tinik sa three point area.

Nakapagtala si Hontiveros ng 1,137 three-point shots upang maging ikaapat sa kasaysayan ng liga kasunod nina Jimmy Alapag (1,250), Allan Caidic (1,242) at 1,171 ni Ronnie Magsanoc.

Bukod dito ay nakaapat na kampeonato siya, habang ilang beses din siyang naglingkod para sa national team kabilang ang 2002 Busan Asian Games, 2007 FIBA Asia at 2015 FIBA Asia.

Umabot din sa 13 All-Star games ang nalaruan niya kung saan hinirang siyang All-Star Three-Point Shootout King noong 2007.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: